Consolidated HDMF Records
Consolidated HDMF Records
The Contact Center ng Bayan (CCB) received an email requesting assistance on 31 July 2019, for the consolidation of his Pag-IBIG Fund records:
“Ako po si Regidor Reyes, irereklamo ko lang po sana yung Pag-IBIG Binondo Branch sa hindi pag asikaso ng aking inquiry at mabagal na serbisyo. Last february 2019 po ay nagfile po ako ng merging ng aking account kasi hindi daw po namerge yong hulog ko ng dati kong employeer. Sabi nila 1 month lang po yung process. Ngayon month mag loloan na sana ako tapos bigla ko malalaman na hindi pala nila prinocess ang papers ko. back to zero nanaman. nakakainis talaga.”
CCB referred the client’s concern to Home Development Mutual Fund (HDMF) on 31 July 2019. On 17 September 2019, the CCB received this update:
“Hi Sir/Madam, The issue has been resolved. I get my loan and the process was smooth. I would like to thank your good office and PAG-IBIG Binondo Branch for the fast response. God bless you all.”
Settled SSS Death Benefit Claim
Settled SSS Death Benefit Claim
The Contact Center ng Bayan (CCB) received thru text message a request for assistance on 26 July 2019, for the processing of his father’s death benefit:
“I would like to Report SSS Welcome Rotonda regarding my father’s pension to be transferred to my mother, it takes 3 months already. My father, Roberto San Juan died last Dec 29, 2018, his pension is to be transferred to my mother named Luz San Juan. We gather all necessary documents, ang naging issue lang ay marriage contract ng parents ko sa Tarlac which was not forwarded sa NSO head office kaya pala no copy dito sa Manila. Nag-email na po ang SSS Welcome Rotonda sa SSS Tarlac last May 2019, pero until now ay no action pa. Ang ginawa po namin, kami na ang pumunta sa Tarlac to gather again document proof na kinasal ang parents ko at wala ng iba pang pinakasalan. Nakakuha po kami ng marriage contract copy sa church kung saan sila ikinasal pero ayaw pa rin i-honor ng SSS Tarlac and Welcome Rotonda branch. Nag-file/apply na rin po kami ng late register dito PSA QC. Si Ms. Clarisse Ong ang nakausap namin sa SSS Welcome Rotonda. Sana po ay matulungan niyo kami. Salamat po.”
CCB referred the client’s concern to Social Security System (SSS) on 26 July 2019. On 17 September 2019, the CCB received an email from the client extending his appreciation for the assistance provided:
“More power to Civil Service Commission and Contact Center ng Bayan. Hope marami pa kayong matulungan katulad naming nangangailangan at mahihirap.”
Settled SSS Loan Overpayment
Settled SSS Loan Overpayment
The Contact Center ng Bayan (CCB) received thru text message a request for assistance on 23 September 2019, for the processing of her loan overpayment:
“Magandang Araw po sa inyo. Nais ko pong idulog ang aking sobrang pagkadismaya sa sistema ng SSS sa pagpapa adjust ng aking binayad sa aking kasalukuyang loan na napunta sa dating loan. Dinulog ko na po ito sa kanilang tanggapan sa SSS Puregold Paso de Blas branch noong nakaraang December 18, 2018 na tinanggap ng isang empleyadong nagngangalang Mechelle Anne O. Robles. Sa aking pag punta noon ay aking dinulog kung bakit napunta ang 1,200 pesos na bayad sa kasalukuyang loan sa dating loan. Ngunit lumipas ang 9 na buwan ay hindi parin nagkakaroon ng pagbabago sa aking online record na sumatutal ay nagkakaroon lang ng penalty na wala naman dapat. Nakailang balik, tawag sa kanilang numero at email ngunit wala pa ding pagbabago. Kaya pumunta na din ako sa SSS Diliman branch noong August 29, 2019 at nag setup ng appointment ukol sa bagay na ito ngunit wala pa ding kungretong solusyon ang nailatag bagkos gumawa lang ng report na tinanggap naman ni Kevin Roy T. Mamayson. Hindi ko lubos isipin ang sobrang kabagalan ng kanilang sistema dahil mag-iisang taon na pero wala pa ding nagbabago sa aking record. Nagtaas na sila ng premium pero bulok pa din ang kanilang sistema. Sobrang pagkadismaya na po ang aking nararamdaman kaya akin na itong inerereport sa inyo kung ano po ba ang inyong pwedeng maging aksyon. Nasa aking record sa SSS online ang aking bayad pero ni hindi manlang magawang maaksyunan ng agaran. Matatapos na din ang term ng aking loan sa susunod na taon. Sana po ay matulungan ninyo ako.”
CCB referred the client’s concern to Social Security System (SSS) on 23 September 2019. On 25 September 2019, the CCB received an email from the client extending her appreciation for the assistance provided:
“Grabe kayo lang po pala ang magiging daan tungo sa mabilis at agarang aksyon na ito. Nagpapasalamat po ako sa inyong nagawa at sa mga taong lubusang tumingin ng aking transaksyon. Taos puso po ang aking pasasalamat sa bagay na ito. Nawa'y hindi na po ito mangyari sa mga susunod pang transaksyon.”